la salle copy

Mga Laro Ngayon

8 n.u. -- NU vs ADMU (Men)

10 n.u. -- FEU vs UST (Men)

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

12 n.t. -- UST vs NU (Women)

4 n.h. -- ADMU vs DLSU (Women)

MAGTUTUOS muli ang reigning champion De La Salle at mahigpit na karibal na Ateneo sa pinananabikang duwelo sa pagtatapos ng elimination round ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Walang nakatayang anuman maliban sa pride sa kanilang pagtutuos ganap na 4:00 ng hapon.

Kapwa sigurado na sa top 2 spot sa Final Four at kaakibat na ‘twice-to-beat’ na bentahe ang dalawang koponan na tabla sa lederboard sa parehong 11-2 karta.

Mauuna rito, tatangkain ng University of Santo Tomas na makumpleto ang Final Four cast sa pakikipagharap sa National University ganap na 12:00 ng tanghali.

Hawak ang markang 7-6, kailangan ng Lady Bulldogs na magapi ang Tigresses (8-5) para makapuwersa ng do-or-die match para sa huling final Four berth.

Ang panalo ng NU ay pormal na magpapasok sa Far Eastern University sa Final Four kahit magtabla-tabla sila ng NU at UST sa 8-6 na kartada dahil sa mas mataas na quotient.

Ngunit, kung ang UST ang magwawagi, sila ang kukuha ng No.3 spot at babagsak naman ang FEU sa pang-apat na puwesto

Magtatangka ang Lady Spikers na kumpletuhin ang sweep ng second round sa pamamagitan ng paghihiganti sa 24-26, 24-26, 25-21, 17-25 kabiguan sa Lady Eagles sa first round.

Sa men’s division, direktang umusad sa kampeonato ang target ng defending champion Ateneo sa muli nilang pagtutuos ng National University sa unang laro ganap na 8:00 ng umaga na susundan ng tapatan ng UST-FEU ganap na 10 :00 ng umaga.

(Marivic Awitan)