Apat na “kahina-hinalang” lalaki, na armado ng mga baril at granada, ang inaresto ng mga nagpapatrulyang pulis sa Camarin, Caloocan, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Sr. Supt. Chito G. Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, ang mga suspek na sina Art Villanueva, 29; Daryl Yalong, 28; Francisco Sauran, 29; at Ted Villanueva, 40. Pawang tricycle driver at residente ng Caloocan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong 1:00 ng madaling araw, apat na “kahina-hinalang” lalaki ang nakaengkuwentro ng mga nagpapatrulyang pulis sa Phase 6, Barangay 178, Camarin, Caloocan.

Ayon kay Bersaluna, sinabi sa kanya ng kanyang mga tauhan na kakaiba ang ikinilos ng mga suspek kaya nilapitan nila ito.

National

PBBM nagbabala kontra POGO, IGL: ‘Di na kailanman papayagang manalasa ang mga ito!’

Nang kapkapan, nakuha ng mga pulis ang dalawang caliber .45 pistol at isang granada at 10 ammunition.

“There is a very big possibility that these four (people) were the vigilantes in North Caloocan. We are just waiting for the result of the ballistic cross matching. We are checking if the ammunition in their possession were as same as the ones we retrieved in past shooting incidents,” pahayag ni Bersaluna sa Balita. (Jel Santos0