JACLYN copy copy

MASAYA ang presscon ng D’ Originals dahil game ang buong cast sa pagsagot pati sa mga nakakakiliting tanong tungkol sa mga kabit, sa pagiging kabit at pakikipagrelasyon.

Pinangunahan ni Jaclyn Jose ang pagiging game sa pagsagot at pagkukuwento ng pinagdaanan ng kanyang love life.

Nabanggit pa niyang nang-away siya ng “the other woman” ng boyfriend niya noon.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Nagkatawanan sa presscon nang banggitin ni Jaclyn na ‘pag gumagawa ng kissing scene o love scene, hindi maiwasang makaramdam ng something sa kapareha. Nagkataong si Jestoni Alarcon ang gumaganap na asawa niya sa D’ Originals, kaya ang tanong sa kanya, may naramdaman ba siya sa aktor?

“Sa edad kong ito, wala na akong maramdaman. Ilang beses na akong niloko o naiwanan. Saka, si Jestoni, iilan na lang ang lalaki na kagaya niya, stick to one siya, 25 years na siyang kasal at kilala siyang mabuting tao,” sagot ng mahusay na aktres.

Naging seryoso lang ang sagot ni Jaclyn nang matanong tungkol sa isyu ng anak na si Andi Eignenmann at kay Jake Ejercito na ama ng kanyang apo. Bakit daw hindi siya nag-ingay unlike sa past issues ng dalawa?

“Mother knows everything but it is not my story to tell. I have to keep quiet and let my daughter handle it,” sagot ni Jaclyn. “With Jake, everyone knows I care for him. He’s like a son to me bago pa siya naging daddy ni Ellie.

“For Ellie, I would support her sa permiso ni Andi. I always ask permission. I want Ellie na maging tao na buo. Alam ko namang gusto rin ni Jake na maging buong tao si Ellie at nakikita ko sa ‘binibigay na pagmamahal ng kabila, lalaki nang buo at masayahin si Ellie.”

Nagpahayag din si Jaclyn na, “As far as we are concerned, we kept quiet to protect Ellie. I’m not in authority to talk in behalf of my daughter and Jake. Nandu’n lang ako as her lola na hindi siya pababayaan.”

Samantala, sa April 17, pagkatapos ng Legally Blind ang pilot ng D’ Originals mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. at produced ng GMA News and Public Affairs para sa GMA-7.

Kasama nina Jaclyn at Jestoni sa cast sina LJ Reyes, Kim Domingo as original wives. Mga kabit sina Meg Imperial, Lovely Abella at Katrina Halili at ang guys na pinag-aagawan ay sina Jestoni nga, Archie Alemania at Mark Herras.

(NITZ MIRALLES)