CAMILING, Tarlac - Matindi ang ginawang pagnanakaw ng isang 24-anyos na lalaki dahil 11 poste ang kinalasan niyang tanggalan ng kable sa Barangay Sinulatan 2nd, Camiling, Tarlac, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kaagad nai-report ni Artemio Navarro, 58, chairman ng Bgy. Sinulatan 2nd, sa Camiling Police ang umano’y pagnanakaw ni Ryan Cabiles, binata, ng Bgy. Baracbac, Mangatarem, Pangasinan, kaya mabilis na naaresto ang suspek.

Aabot sa 800 metro ng cable wire ang natangay umano ni Cabiles, at tinatayang nagkakahalaga ito ng mahigit P16,000.

Kinalas ni Cabiles ang mga kable sa 11 poste, na nagsu-supply ng kuryente sa ilang lugar sa nabanggit na barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)