NAGING emosyonal si Arron Villaflor sa thanksgiving presscon ng The Greatest Love na malaki raw ang nagawa sa kanya bilang anak.

Bagamat malayo naman sa tunay na buhay ang pasaway na karakter niya bilang si Paeng na anak ni Mama Gloria (Sylvia Sanchez), malaki ang pasasalamat niya na siya ang napili ng GMO unit para gampanan ito.

Katulad ni Mama Gloria, may sakit din ang ina ni Arron kaya magkakasama ang buong cast ng TGL nang manalangin para maging successful ang operasyon sa ina.

“Okay na si Mama, naoperahan po si Mama ko. Tinanggalan siya ng lymph node near the breast para hindi maging cause ng cancer. Thanks to my The Greatest Love family dahil ipinagdasal ang nanay ko.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

“Mama’s boy din ako kaya parang bago pa ako magsalita, naiiyak na ako doon sa sasabihin ko kasi parang hindi ko kaya.

Close ako sa nanay ko, totoo rin ‘yung hindi ako sanay mag-I love you sa parents ko dati.

“Pero lagi na akong nag-a-I love you sa kanila, natutunan kong mas mahalin ang nanay ko. Ilang taon na siya, eh.

Parang minsan, ‘pag nagbibilang ako, parang ilang years na lang,“ naiyak na kuwento ng aktor.

Sa ilang beses na naming interbyu kay Aaron, napansin namin na nagiging emosyonal siya kapag pamilya niya ang napag-uusapan, kaya tinanong namin siya kung naging pasaway din ba siyang anak. Hindi naman daw, pero hindi maiiwasan na maging matigas ang ulo niya kung minsan, pero never siyang na-involve sa anumang bisyo.

“Ako, 26 turning 27 na ako,” dagdag pa ng aktor, “ilang years na lang to spend time with my parents. Not all the time bata ako, I have to grow up and I have to know my responsibilities, ‘yun ang lagi kong iniisip.

“Konting taon na lang, any time mawawala yung parents mo sa tabi mo at, in the future, magiging parent ka rin. ‘Yung pagmamahal sa anak mo, gusto mo makuha mo rin ‘yun ‘pag naging magulang ka na rin. So ngayon, ibinibigay ko ang lahat ng oras ko sa family ko, especially sa parents ko.”

Aminado rin ang aktor na kahit nasa tamang edad na siya ay ang magulang pa rin niya ang namamahala ng kinikita niya, na in-invest ng mga ito sa pagpapatayo ng paupahang apartment at bumili rin ng lupa.

Zero ang lovelife ng aktor na gusto munang pagsilbihan ang magulang niya.

Samantala, mabait na ang karakter ni Paeng sa The Greatest Love at bati na sila ng Nanay Gloria niya at tanggap na niya ang bagong amain na si Peter (Nonie Buencamino) at happy family na sila kasi ikinasal na ang ina sa kanyang first love.

Ang kaso, pagbalik galing honeymoon ay saka naman nagkasakit ang Nanay Gloria nila kaya katakut-takot na iyakan na naman ang mangyayari sa kuwento ng TGL hanggang sa pagtatapos nito sa Abril 21. (REGGEE BONOAN)