PANIQUI, Tarlac – Dalawang babaeng sakay sa tricycle ang hinoldap ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa highway ng Barangay Apulid sa Paniqui, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni PO2 Joemel Fernando na ang mga hinoldap ay sina Ma. Remedios Portuguez, 24, ng Bgy. Camanggaan West; at Ma. Cecilia Lacambra, 21, ng Bgy. Aringin, Moncada, Tarlac.

Natangay kay Portuguez ang kanyang bag na naglalaman ng mga damit, isang Samsung JI cell phone na nagkakahalaga ng P5,000, at wallet na may P3,500 cash.

Wallet na may mga ID at P500 cash ang natangay naman kay Lacambra. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog