Taylor copy

NASAAN kaya si Taylor Swift? Tahimik ang 1989 singer, madalang mag-post sa Instagram, at umiiwas sa malalaking public event.

Napapaisip tuloy ang kanyang mga tagahanga sa misteryosong pagiging low profile ng kanilang idolo at kung ano ang kanyang ginagawa simula nang magtanghal noong Pebrero 4 sa pre-Super Bowl concert sa Houston, Texas. Gayunman, hindi na kailangang magtaka ng mga tagahanga ni Swift – at mas dapat maging excited. Isang source ang nagsabi sa ET na si Swift “has been busy working on her upcoming album.”

Ayon sa source, iniisip pa ng Shake it Off singer ang magiging tunog ng kanyang bagong album, at kung nais pa niyang magpatuloy sa pop genre na naghatid sa kanya sa tagumpay ng pinakahuling album, o bumalik sa country music.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gayunman, binigyang-diin ng source na ang susunod na big album ni Swift ay ilalabas sa huling bahagi ng taon.

Umiiwas si Swift sa limelight kapag gumagawa ng mga bagong awitin. Kung tipikal na maingay sa social media, isang beses lang nakapag-post ang 27-anyos na songstress nitong huling dalawang buwan, at ito ay dahil sa pagpo-promote ng latest single na Green Light ng kanyang kaibigan at kapwa pop diva na si Lorde.

Habang wala sa spotlight, nasa malapit lang sa kanyang tahanan si Swift sa Nashville, Tennessee, at namataang nagda-drive nitong nakaraang linggo.

“She comes here to get away from the paparazzi,” saad ng nakasaksi sa singer sa ET.

Bagamat magandang balita sa kanyang mga tagahanga ang tungkol sa ikaanim na studio album na inihahanda ni Taylor, halatang alam na ng mga kaibigan ng mang-aawit ang tungkol sa pagbabalik niya sa recording studio ilang buwang ang nakalilipas.

Nitong Setyembre, sinuportahan ni Swift ang kanyang bestie na si Gigi Hadid sa pagrampa sa Tommy Hilfiger fashion show sa New York City. Nakapanayam ng ET si Hadid sa event, at ibinunyag ng modelo kung bakit masaya siya nang makita si Swift sa event.

“She’s obviously such a great friend and you know, she is starting to go back to work in the studio again and really made time to be here for me and I am so grateful for that,” ani Hadid. (ET Online)