Nagkabutas-butas ang katawan ng isang barangay tanod makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek habang kritikal naman ang isang matandang babae at kanyang kapitbahay sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Roberto Serrano, 43, ng No. 6765 Libis Espina Street, Barangay 18 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang ginagamot sina Marc Angelo Dy, 32; at Mercedita Cortez, 60, kapwa tinamaan ng ligaw na bala sa katawan.

Base sa report, bandang 10:30 ng gabi, nakikipag-inuman si Serrano sa kanyang kapitbahay na si Rudy Lopez, 65.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Makalipas ang ilang minuto ay sumulpot ang tatlong lalaki at walang habas na pinagbabaril si Serrano at minalas na matamaan sina Dy at Cortez.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)