PIOLO AT SHAINA copy

INAABANGAN tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime ang The Better Half nina Denise Laurel, JC de Vera, Carlo Aquino at Shaina Magdayao.

Napanood namin sa isang teaser ng serye na may nagsabi kay Marco (Carlo) na siya ang unang asawa ni Camille (Shaina) bago si Rafael (JC), na ipinagtaka nito kaya nagtanong siya sa nakilalang asawang si Bianca (Denise) na siyempre magaling magtago ng katotohanan.

Sa apat na bida, bukod tanging si Carlo lang ang walang alam dahil magkakutsaba sina Denise at JC na pareho nilang mahal na mahal ang kani-kaniyang asawa. Samantalang si Shaina naman ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal sa dating asawa.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, tila iritable na si Shaina sa paulit-ulit na tanong tungkol kay Piolo Pascual lalo na tungkol sa detalye ng pagiging exclusively dating nila for five yers.

“’Yung five years na ‘yan, na na-misquote siya sa TV Patrol, let me be very honest, kasi this is the first time that I’m gonna talk about it,” simulang paliwanag ng aktres sa panayam ng Cinema News.

“Kasi nga, parang it was blown out of proportion. When he was interviewed, it was Valentine’s Day, and I really felt bad kasi mukhang naidamay lang kami sa hype dahil nga sa makukulit na mga tao.

“I don’t know if you’re all excited na magkaroon kami ng kanya-kanyang relationship. I remember, it was February 14 na parang episode ng TV Patrol, na ‘sinabay kami sa mga official talagang magbo-boyfriend-girlfriend.

“So, kami naman, helpless, wala na, nasa headlines na kami. I really felt bad, kasi may mga bersiyon na nag-iimbento o saan nanggagaling ‘yung five years na ‘yun.

“But, you know, let me make it very clear, ‘yung five years na ‘yun, we talked about that twice in passing. We were in Malaysia, ‘tapos may nag-tag na parang magpa-five years na. Sabi niya sa akin, ‘Magpa-five years na.’ Sabi ko, ‘Oh, my gosh, five years na since ASAP Singapore!’ So, du’n nagsimula ‘yun.

“Sabi ko, ‘Seriously, limang taon na ‘yun, limang taon na ‘yung nakalipas.’ Sabi niya, ‘Oo, almost five years na, according to this posts and pictures.’ Du’n namin nakuha na parang... ‘Okay, it’s been five years that we’ve been there for each other.’ Dun nagsimula ‘yun, and ito ‘yun, ito talaga ang conversation namin.

“Sabi ko, ‘Wow, in all fairness, ha, magpa-five years na.’ So, when he said that, and it was edited in a wrong way, nagmukha tuloy malisyoso; and I really felt bad.

“‘You know, time will come na I’ll defend you,’ sabi ko sa kanya. “‘Ako, I’ll clear that, ako ang bahala diyan sa five years na ‘yan.’ Kasi, hindi naging maganda, kasi at the same time, sinasabi nila sa kanya at sa akin din na five years, it’s been five years.

“I’ve been telling you na wala, na I’m single, ‘tapos may five years. Kung alam lang nila kung saan nagmula ‘yung five years na term, at kung gaano siya actually kaganda that five years na kami, na parang magpa-five years na kami, na we’re always there for each other according to that fan, to that post, ‘tapos minamasama, nilalagyan ng malisya ng mga tao.

“I felt na di maganda ‘yun, and it’s unfair for the two of us. Pero lahat ‘yan may rason, lahat ‘yan may pinanggagalingan.

“Ayoko lang nadudumihan ‘yung foundation namin, kasi our foundation is our friendship. Ayoko na nilalagyan ng intriga. It’s just sad kung paano siya unang pumutok, kung paano siya unang lumabas, but I hope this enlightened everyone.”

Pero moving forward naman na, nagsalita na si Piolo kay Kuya Boy Abunda na ‘mahal niya ang aktres at boto rin ang pamilya niya kay Shaina.’

Ano kaya ang reaksiyon ng aktress dito? (REGGEE BONOAN)