ZANJOE AT RIA copy

MUKHANG nagiging trademark ni Ria Atayde ang red lipstick. Tuwing napapanood kasi namin siya sa My Dear Heart, laging pula ang mga labi ng dalaga.

Tinanong namin ang kanyang Mommy Sylvia Sanchez kung parati bang pula ang mga labi ng anak.

‘Trademark yata ‘yan, hindi ko alam,” sagot sa amin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala, tawa kami nang tawa sa ipinost na litrato ni Ria kasama si Zanjoe Marudo na parehong naka-pout ang kanilang lips. Kuha sa sementeryo na kunwari kinalilibingan ng anak ng kanilang characters sa kanilang serye na si Grace. Nagkaroon ito ng mahigit 280 likes nang i-post.

Ang caption ni Ria, “Funny story about this photo... in my periphery, I saw Z @onlyzanjoemarudo pouting so I pouted too... only to find out that he wasn’t doing it on purpose, hahaha. Pls watch us tonight #MDHPagtataka.”

Natural na pouted lips naman si Zanjoe, kaya parang lumalabas tuloy na pinagti-tripan ni Ria ang kanyang leading man.

Anyway, base sa umeereng kuwento ng My Dear Heart ay magkaibigan na sina Dra. Gia (Ria) at Dr. Francis (Eric Quizon) pero hindi alam ng una na may masamang binabalak ang huli at gagamitin lang siya. (Reggee Bonoan)