mon copy

Libel case, isinampa ni ‘Don’ Ramon vs ‘Peping’ Cojuangco.

KINATIGAN ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang naunang pahayag na ilalaan niya sa pagsasanay ng atletang Pinoy ang P10 milyon na danyos na hinihingi niya sa libel case na isinampa laban kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

“Para mapakinabangan ng atleta ang pera si Mr. Cojuangco. Atleast baka sa mga atletang ma-train natin na galing sa pera niya magresulta ng gold medal sa Olympics,” pahayag ni Fernandez.

Tourism

₱88 seat sale ngayong 12.12, handog ng isang airline!

Pormal na kinasuhan ng libel ng four-time MVP at PBA champion ang 82-anyos na si Cojuangco Martes ng hapon sa Cebu City Prosecutor’s office batay umano sa mapanirang-puri na pahayag ng POC chief na isa siyang ‘game-fixer’ nang kapanuhan niya sa pro league.Sinamahan siya ng kanyang counsel na sina Atty. Ramsey M. Quijano, Jemil Christian B. Marquez at Baldomero Estenzo.

"How can we entrust the national athletes to somebody who threw away games?" pahayag ni Cojuangco na nailathala sa Manila Bulletin noong Marso 8, 2017.

Wala pang pormal na pahayag si Cojuangco hingil sa kasong isinampa laban sa kanya. Inaasahang sasagutin niya ito sa ‘Usapang POC” -- ang lingguhang programa ng Olympic body sa Sports Radio – ngayong 11:00 ng umaga.

“I gave him enough time to apologize in public. Hinintay ko rin na mag-resign siya, pero hindi niya ginawa kaya magkita na lang kami sa korte.

“Now he has the chance to prove his allegation against me in proper venue,” pahayag ni Fernandez.

Iginiit ni Fernandez na ipagpapatuloy niya ang nasimulang kampanya na habulin ang POC at mga NSA na magpahanggang ngayon ay hindi pa nakapag-liquidate sa pondong kinuha nila sa pamahalaan.

Nauna nang ibinulgar ni Fernandez na kabuuang P129 milyon ang pondong naibigay ng PSC sa panahon ni chairman Garcia sa POC at NSA na hindi pa alam kung saan napunta dahil sa kawalan ng tamang liquidation report.

Kabilang sa nais malinawan ng PSC ang P35 milyon na kinuha ng POC para gastusan ang selebrasyon ng Asian Games Centennial, gayung naglaan ang Olympic Council of Asia (OCA) ng sapat na pondo para rito. (Edwin G. Rollon)