Judy Ann copy

IBINALITA na ng ABS-CBN ang pagbabalik-telebisyon ni Judy Ann Santos sa bagong season ng Bet On Your Baby.

Sa interview ni Mario Dumaual ng ABS-CBN, excited si Judy Ann to be working again, lalo na’t ang gagawin niyang show ay malapit sa kanyang puso.

“Excited na ako ma-roll up kasi sa ganitong show lang naman ako p’wede i-glam. Napahinga ako for more than a year so I’m so happy. I’m sure matutuwa ang mga tao, lalo na ang mga bata ‘pag nakita nila ito,” sabi ni Juday.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pang-third season na ng Bet On Your Baby ang iho-host ni Judy Ann at baon niya ang tips na ibinigay ng asawang si Ryan Agoncillo na magaling sa hosting. Napansin daw kasi ni Ryan na pag-uwi ng bahay ni Judy Ann, paos siya at wala nang energy. Kaya pinayuhan siya na i-preserve ang boses at mag-enjoy lang na kanyang gagawin.

Malapit na ring magkaroon ng bagong show si Ryan sa GMA-7, tila game show ang ibibigay sa kanya. Umaasa ang kampo nina Judy Ann at Ryan na hindi pagtatapatin ng dalawang network ang airing ng show ng mag-asawa. (Nitz Miralles)