Sa ilalim ng “practical” proposal, maaari nang magkaroon ng flexible work schedule ang mga government employee na makatutulong upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila, inihayag kahapon ng Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naghihintay lamang ng rekomendasyon ang Palasyo mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng ipinapanukalang flexible work schedule sa hanay ng mga empleyado ng gobyerno.

“Government is looking for practical solutions to ease the traffic situation in Metro Manila. One of the proposals is to have flexible working hours for government officials and employees,” sabi ni Abella.

“The Metropolitan Manila Development Authority is studying this flexi-time proposal as a measure and will give its recommendation soon,” dagdag niya.

National

Rep. Ortega, sang-ayon kay SP Chiz na ‘di dapat magkomento mga senador sa impeachment

Una nang sinabi ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos na inutusan siya ng Pangulo na alamin kung magiging epektibo ang pagpapatupad ng flexi work schedule upang maiwasan ang matinding trapiko. (Genalyn Kabiling at Bella Gamotea)