Sabay-sabay inaresto ng Pasay City Police ang apat na lalaki na umano’y palaboy matapos mahuli sa aktong nagnanakaw sa isang gusali sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Bukod sa pagnanakaw, nakuhanan din ng hinihinalang shabu ang mga suspek sina Albert Plantiano, Jaypee dela Cruz, Albert dela Cruzl, at Joel Almadin na pawang nasa hustong gulang.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Giovanni Arcinue, ng Pasay City Police, dinakip ang apat na suspek isang gusali ng isang bangko sa panulukan ng Macapagal Boulevard at Edsa, Pasay City.

Sa pahayag sa pulisya ng guwardiya ng bangko, hindi nagpabanggit ng pangalan, nahuli niya sa akto ang apat na suspek na ninanakaw ang water pump at iba pa, kaya agad siyang humingi ng tulong sa awtoridad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa maagap na pagresponde, naabutan ng mga pulis ang mga suspek at nabawi ang mga gamit na tatangayin ng mga ito.

Nang kapkapan, isa sa mga suspek ang nakumpiskahan ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang apat na suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong robbery theft at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Bella Gamotea)