Alden & Maine Coldplay concert proper copy

SALAMAT sa social media, hindi mo na kailangang bumili ng napakamahal na ticket sa first concert ng Coldplay sa Pilipinas nitong nakaraang Martes dahil para ka na ring nakapanood ng concert at nakakuha ka ng first hand report mula sa mga nanood.

Kanya-kanyang post ang mga artistang nanood like ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, si Gabby Eigenmann, sina Paolo Contis at LJ Reyes na nasa VIP section.

Maaga pa ay may nag-tweet na sa amin na papasok daw ng concert venue sa MOA ang Coldplay na nakasakay sa isang jeep.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May kasama itong video ng mga miyembro ng Coldplay, at bonus pa na kasunod nila ang dalawang sasakyan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa VIP section din pumuwesto sina Alden at Maine kasama sina Direk Pat at Oreo ng Eat Bulaga. Nag-post pa si Maine na ang suot daw niya ay ang outfit din niya noong una siyang manood ng Coldplay concert sa Los Angeles, California last year.

Masayang-masaya ang AlDub Nation nang makitang totoong magkasamang nanonood ang ‘bibis’ nila. Nag-time-out talaga sina Alden at Maine sa taping ng Destined To Be Yours, dahil fan na fan sila – lalo na si Maine -- ng Coldplay at ng soloist nitong si Chris Martin.

Nalubos ang kasiyahan ng AlDub Nation nang simulan na ang full-packed concert at kantahin ng British band ang Yellow.

Nagtayuan ang lahat at nakisabay sa pagkanta. At si Maine, para makakita nang husto ay pinasan ni Alden sa mga balikat niya at sabay silang sumayaw at kumanta ng paborito nilang song na madalas nilang kantahin sa Eat Bulaga.

Ang nakakatawa ay ang comments sa Instagram post habang pasan ni Alden si Maine, ang Coldplay daw ang nagku-concert pero itong dalawa ang pinapanood ng iba.

Naririto ang ilang komento: “Ang sarap ninyong panoorin na ganito kasaya, RJ & Maine.” “We wish you both love and happiness always.” “Never lose those smiles on your faces.”

Sa Twitter naman: “Best night ever goals ka @aldenrichards02 you’re the best boyfie! Thank you for making @mainedcm extra happy tonight.” “The kind of love that’s so quiet, yet screaming. But we all heard you loud and clear tonight, please always be happy, mga mahal.” “No, Richard didn’t make Nicomaine at the top of the world, he made her feel that she is his world.”

Kitang-kita kasi ang kasiyahan ni Maine habang muling nanonood ng Coldplay, this time dito na sa sarili nating bansa.

Sa finale song, nagbagsak ng beach balloons at kitang-kita na inaabangan ni Alden ang bawat balloon na bumababa para hindi matamaan sa mukha ni Maine at para lalo nitong ma-enjoy ang pagsabay sa kinakanta ng banda.

Ang problema, siyempre pa, ay noong palabas na sila. Hindi sapat ang security para maayos na makalabas ang dalawa, pero mabuti na lang at may fans nang tumulong para makalakad sila nang tuluy-tuloy, especially si Maine. At si Maine, dahil secured kay Alden, hindi mawala ang mga ngiti sa pagkaway sa fans. (NORA CALDERON)