Hindi na nakapalag ang dalawang pulis na inirereklamo sa pangongotong sa entrapment operation sa Barangay Payatas, Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Supt. Lito Patay ang mga inarestong sina SPO2 Raul Nadera at PO3 Anthony Tecson na kapwa nakatalaga sa Quezon City District Traffic Enforcement Group.

Inaresto rin ang siyam na empleyado ng Quezon City na nagsasagawa ng random smoke belching test sa mga motorista.

Nabatid na bago ang entrapment operation, nakatanggap ng reklamo ang Counter-Intelligence Task Force (CITF) kaugnay ng panghaharang ng dalawang pulis sa mga lumalabag sa anti-smoke belching campaign ng lungsod at pinapipili umano sila kung sila’y sasailalim muli sa test o magbibigay ng pera. (Jun Fabon)

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga