Nalagutan ng hininga ang isang tricycle driver nang resbakan ng dalawang lalaki na bayaw umano ng kanyang nakasuntukan sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Isang saksak sa dibdib ang ikinasawi ni Angelo Sante, 34, ng Gate 46, Area B, Parola Compound, Binondo habang tinutugis naman ang mga suspek na sina James Bonifacio, alyas “Jem-jem”, 31, ng Gate 46, Area B, Parola Compound, Binondo; at isang “Nog-nog” de Leon.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Supt. Amante Daro, station commander ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 1:20 ng madaling araw nangyari ang krimen sa loob ng Gate 46, Area B, sa Parola Compound.

Pinuntahan umano ng mga suspek ang biktima at saka kinumpronta sa panununtok kay “Garry,” na umano’y bayaw ni De Leon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nauwi sa pagtatalo ang kumprontasyon hanggang sa saksakin umano ni Bonifacio si Sante at tuluyang tumakas.

Tinangka pang isugod sa ospital si Sante ngunit patay na ito. (Mary Ann Santiago)