Nagtungo sa Department of Justice (DoJ) ang dalawang pangunahing suspek sa rent-sangla scam.

Sabay nagpunta sa DoJ sina Rafaela Montes Anunciacion at Tychicus Historillo Nambio na kapwa nahaharap sa patung-patong na kaso ng estafa.

Nagsumite si Anunciacion ng pitong magkakahiwalay na counter affidavit upang pabulaanan ang reklamo laban sa kanya.

Samantala, hindi nagsumite ng kontra salaysay si Nambio sa dahilang hindi umano niya natanggap ang subpoena na ipinadala ng DoJ dahil sa paglipat niya ng bahay.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Dahil dito, pinagbigyan si Nambio, pati na ang iba pang respondent, ng hanggang Abril 10 para makapagsumite ng counter affidavit. (Beth Camia)