Nanawagan kahapon ang isang militanteng grupo sa agarang pagpapalaya sa ilang miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahirap (Kadamay) na idinetine ng pulisya nitong Lunes.

Nasa 57 kasapi ng urban poor group ang inaresto ng mga pulis dahil sa trespassing, malicious mischief at coercion matapos nilang tangkaing ilegal na okupahin ang isang bakanteng lote sa Tandang Sora, Quezon City, kung saan sila dating nakatira.

Pinabulaanan naman ito ni Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairperson Elmer “Bong” Labog, na nagsabing ang pagdakip ay batay sa mga maling paratang.

“We demand the immediate release of Kadamay members, especially the kids and elderly, who were inhumanely and unjustly detained. Being poor and homeless is not a crime,” sabi ni Labog.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Ang mga inarestong miyembro ng Kadamay ay kabilang sa mga ilegal na umokupa sa mga bakanteng housing unit sa Pandi, Bulacan ilang linggo na ang nakalipas. Kasalukuyan silang pinipigil sa Camp Karingal.

“We vehemently condemn the Philippine National Police and the local government of Quezon City for the mass arrest of urban poor workers who merely wanted to get back to their homes,” ani Labog. (Samuel P. Medenilla)