KRISTEL copy

BIHIRA nang makita ng press ang dating mainstay ng Goin’ Bulilit na si Kristel Fulgar, pero dahil kasama siya sa cast ng Can ‘t Help Falling In Love na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, namataan namin siya sa press launch last week.

Mas nakikilala bilang aktres si Kristel pero lingid sa kaalaman ng lahat ay magaling din siyang singer – na hindi man lamang naungkat sa Q and A ng presscon.

Sa katunayan, lately, nagkaroon ng collaboration si Kristel with Marlo Mortel, isa ring Kapamilya artist-singer at ginawa nila ang cover ng Beauty and The Best. Na-surprise si Kristel nang magbigay ng comment ang Walt Disney Studio praising their cover of the song.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“What an absolute stunner, you guys!” saad ng Walt Disney Studio sa kanilang post.

Sana ay magsilbing daan ito para mapansin ng kanyang home studio ang beauty at talent ni Kristel. And, of course, pati na rin si Marlo. (ADOR SALUTA)