DANIEL AT KATHRYN_abs-cbn copy

MAS lalong tumaas ang TV ratings ng ABS-CBN ngayong 2017 kumpara sa mga nagdaang taon dahil umabot na sa 2.6 milyon na “mahiwagang black boxes” ang ginagamit ngayon sa mga tahanan simula nang ilunsad ito noong 2015.

Kasabay ng paglinaw sa panonood ng mga programa gamit ang ABS-CBN TVplus ang pagtaas ng audience share ng ABS-CBN, lalung-lalo na sa Mega Manila na umabot sa 36% ang audience share ngayong taon kumpara sa 30% noong 2015, batay sa viewership survey data ng Kantar Media. Tumaas din sa 14% ang ratings ng ABS-CBN sa Mega Manila ngayong 2017, kumpara naman sa 11% noong 2015.

Ito ang ibinalita sa mga advertiser sa isinagawang “Ikaw ang Sunshine Ko Isang Pamilya Tayo” trade event.

Human-Interest

Paalala ng mommy-vlogger: 'Toys are genderless!'

Samantala, ipinakita rin sa trade event ang mga pinakabagong serye na dapat abangan ng mga manonood sa Dos. Una na ang La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hindi rin naman nagpahuhuli ang Ikaw Lang ang Iibigin na pinagbibidahan naman nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Kasama rin sa bagong ihahandog ng ABS-CBN ang mga seryeng Kung Kailangan Mo Ako ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona at ang Pusong Ligaw nina Beauty Gonzales at Bianca King.

Nananatili ring home of asianovelas ang ABS-CBN sa mga bagong Korean dramas na nagpapakilig sa mga manonood --- ang Legend of the Blue Sea, Goblin, Weightlifting Fairy, Hwarang, Doctor Crush, at W.

Dapat ding tutukan ang pagbabalik ng reality show na minahal ng lahat: ang Bet On Your Baby kasama si Judy Ann Santos.