PANGUNGUNAHAN ni Gobernador Amado I. Espino III ang pagbubukas ng Pangasinan Tourism and Trade Expo ngayong taon sa Abril 5 sa Pangasinan Training and Development Center.

Isa sa mga highlight ng expo, na nasa ika-10 taon na, ang taunang selebrasyon ng Agew na Pangasinan (Araw ng Pangasinan) at Pistay Dayat (Sea Festival), na gaganapin mula Abril 5 hanggang Mayo 1 ngayong taon.

Tiniyak ni Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Chief Ma. Luisa Elduayan na mas magiging exciting ang Pangasinan Tourism and Trade Expo ngayong taon dahil na rin ito ang magiging unang selebrasyon sa ilalim ni Espino III bilang gobernador.

Bukod sa pagtatampok ng iba’t ibang lokal na produkto, inaasahang aakit ang event ng mas maraming bisita sa pagdagdag ng bagong Capitol Food Park na matatagpuan sa likod ng Veterans Park, saad ni Elduayan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Aniya, tampok sa food park ang mga food stall ng mga kilalang restaurant ng probinsiya, sa pakikipagtulungan sa Pangasinan Visitors Bureau, isang non-stock, non-profit organization ng mga proyektong pangturismo.

Ang isa pang panibagong atraksiyon na paniguradong ikatutuwa ng lahat ng mga art enthusiast ay ang Panag-Arte La Art Exhibit na tampok ang mga painting at mga larawan na ilalagay sa Pangasinan Training and Development Center.

Nasa likod ng aktibidad ang “Liket Datek” Art Group sa pakikipagtulungan sa Pangasinan Lensmen.

Sa kabuuan ng expo, matutunghayan din ang maraming koleksiyon at landscaping design para sa mga mahihilig sa bonsai, garden at landscape.

Inaanyayahan ang publiko na bumisita sa expo mula 8:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi araw-araw. (PNA)