MEXICO (Reuters) – Nagsara ang isang Mexican newspaper sa Ciudad Juarez dahil sa panganib ng karahasan kasunod ng serye ng pamamaslang sa mga mamamahayag sa bansa, iniulat mismo ng pahayagan nitong Lunes.

Naglathala ang “Norte” ng headline na nagsasabing “Adios” sa front page noong Linggo at ipinaliwanag ng may-aring si Oscar Cantu, sa isang liham na isinasara niya ang pahayagan matapos ang 27 taon. Sinabi niya nitong Lunes na isasara rin ang online version ng Norte.

“No company, no business is worth more than a person’s life,” saad sa pahayag ni Cantu. “Keeping going with the company, or on-line version, would put people at the same risk due to the type of journalism we do.”

Ang Juarez ay naging murder capital ng mundo sa nakalipas na dekada dahil sa banggaan ng mga drug cartel.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024