ISULAN, Sultan Kudarat – Lima katao ang nasugatan nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) kahapon ng umaga sa tapat ng tanggapan ng Sultan Kudarat Electric Cooperative (Sukelco).

Kinilala ng pulisya ng Tacurong City ang mga nasugatan na sina Arnold Pampolina, 38 anyos, nakatira sa Barangay Calean, Tacurong; Junel Alya, 31, ng Tantangan, Timog Cotabato; Edison Escultero, 29, ng Sitio Bag-o, Barangay EJC Montilla, Tacurong; Rommel Carnaso, 24, ng Isulan; Janno Buendicho, 27, ng Bambad, Isulan; Kenneth John Carumba, 27, ng Daguma, Bagumbayan, Sultan Kudarat; mga lineman ng Sukelco; at ang vendor na si Janice Alcado, 34, ng Barangay New Carmen, Tacurong.

Sinabi ng pulisya na isang tao na nakasuot ng itim na T-shirt ang nakita ng ilang motorista ang nagtapon ng isang bagay sa tapat ng tanggapan ng Sukelco bago kumaripas ng takbo.

Napag-alaman na ang mga nasugatan ay ligtas na matapos malunasan.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Ayon sa mga bomb disposal experts ng pulisya at militar, kinargahan ng pinagputol-putol na mga pako ang bomba upang mas marami ang matamaan.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pambobomba. (Leo P. Diaz)