Nanawagan sa international media ang mga grupong sumusuporta kay Pangulong Duterte na itigil na ang pakikialam sa mga isyu ng bansa, partikular sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa idinaos na “Palit-bise” rally sa Quirino Grandstand na sinimulan kamakalawa ng hapon at nagtapos dakong 1:00 ng madaling araw kahapon, sama-samang isinisigaw ng mga miyembro ng Duterte Alliance of Volunteers, Artists, and Organizations o DAVAO Movement, na pinamumunuan ni Greco Belgica, ang mga katagang “Stop shaming the Philippines,” na para sa foreign media.

Sinabi ni Belgica na magiging mas maayos ang Pilipinas kung walang foreign media kaya dapat itigil na ang pambabatikos.

“We have gathered here without you and we will be better without you. If you love the Philippines, we love the Philippines more. Leave us alone,” ani Belgica. “We have waited for a long time for a leader like Duterte to come to the Philippines--[someone] who will fear no one, who will stop at nothing, and who is willing to give his life, his honor, and the presidency to save the youth of our country.”

National

Rep. Abante, muling binira ang 'bashers' ng quad comm

Ganito rin ang panawagan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Entertainment Department officer-in-charge Jimmy Bondoc, isa sa mga organizer ng event.

“We are on our knees, we are calling out to the international media to stop lying. There are no dead bodies on our streets, they are only on the television screens,” ani Bondoc. “We just want our people to live a better life.”

Simula nang ilunsad ang war on drugs ng pamahalaan ay dumami ang napapatay na taong sangkot sa drug trade, bagay na pinuna ng foreign media.

Nanawagan si Belgica sa mga mamamayan na makipagtulungan at ipanalangin ang Pangulo dahil hindi umano nito kayang mag-isang tugunan ang lahat ng problema ng bansa.

Hinikayat din niya si Bise Presidente Leni Robredo na magbitiw na sa puwesto kung hindi makikipagtulungan sa pamahalaan, at sa halip ay sisiraan pa ito.

“Kay VP Leni, kung hindi ka rin lang makikipagtulungan sa ating presidente, sumama ka na lang sa foreign media,” sabi ni Belgica. (Mary Ann Santiago)