Bella copy copy

HINDI nagmamadaling makipagrelasyon uli si Bella Hadid.

Ibinahagi ng 20-anyos na supermodel ang tungkol sa kanyang love life – kabilang na rin ang kanyang pagiging Muslim at kanyang pinagdadaanan sa pagkakaroon ng Lyme disease – sa pinakabagong issue ng Porter magazine.

Naghiwalay sina Bella at The Weeknd, 27, pagkatapos ng isa’t kalahating taong pagiging magkasintahan. Pagkaraan ng dalawang buwan, namataan ang rapper na nakikipaghalikan kay Selena Gomez sa Santa Monica, California.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

“I’m just really focusing on myself, and my work, and just being the best that I can be,” saad ni Bella. “I’m not really worried about what guys think about me, I’m just trying to be a woman!”

Inamin niya na habang pinapanatili niyang prioridad ang kanyang trabaho, nagiging overwhelming naman ang kasikatan.

“You feel really overexposed and you don’t want to see anybody... I just want to be in my apartment alone and kind of retreat and be centered again,” aniya, at idinagdag na nasanay na rin siyang magpaunlak ng panayam.

“I think I’ve gotten more used to being around people. I used to get so nervous doing interviews. I’m a very sensitive person.”

Nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya na tinuturan siyang maging humble, at inamin na naapektuhan ang pamilya sa kontrobersiyal na immigration ban ni President Donald Trump: “My dad was a refugee when he first came to America, so it’s actually very close to home for my sister and brother and me. He was always religious, and he always prayed with us. I am proud to be a Muslim.”

Nananatiling malapit ang Victoria’s Secret model sa kanyang ina, ang The Real Housewives of Beverly Hills na si Yolanda Hadid, na tulad ni Bella at ng kanyang kapatid na si Anwar ay nagtataglay din ng Lyme disease. Inamin din ni Bella na isa sa pinakamahirap na pinagdaanan niya sa buhay ang pagkakaron niya ng naturang sakit. “I couldn’t get out of bed for six days,” pag-alala niya. “And my brain would get all foggy, and I couldn’t see. That was the hardest time of my life.” (ET Online)