TEHRAN, Iran (AP) — Ipinahayag sa website ng Iran Track and Field Federation (ITFF) na nagsumite ng paglahok ang 28 American runners para sa gaganaping international marathon sa susunod na linggo.

Ayon sa opisyal na pahayag ng federation, sasabak din ang mga runner mula sa Britain, Canada at Saudi Arabia.

Ayon sa ITFF, sagot nila ang pagproseso ng visa para mga kalahok.

Naging masalimuot ang ugnayan ng Iran sa US nang ipahayag ng Pangulong Donal Trump ang ‘travel ban’ para sa mga Iranian at iba pang Muslim-majority country.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Bilang ganti, ipinatigil ng Iran ang pagbibigay ng visa sa Amerikano.