Isang senior citizen na retiradong opisyal ng Philippine Air Force ang sinuntok sa mukha bago sinaksak ng lasing na lalaki na tinangka niyang sawayin sa pag-iingay sa Taguig City, nitong Sabado ng gabi.

Sugatang dinala sa malapit na pagamutan si Teofilo Argel y Alonzo, 61, ng Maya Rizal, Makati City, dahil sa mga tinamong pasa at saksak sa katawan.

Agad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis si Berly Cabigon y Sade, 23, ng G2 Village, Barangay Pinagsama,Taguig City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Eric Escobia, ng Taguig City Police, dakong 10:30 ng gabi nang nangyari ang insidente sa Churchill St., Palar, Bgy. Pinagsama.

Sa pahayag sa pulisya ng testigong si Fatima Gumano y Abalos, naglalakad sila ni Argel sa kalye nang biglang magsisigaw nang malakas ang umano’y lasing na suspek.

Politics

Giit ni SP Gatchalian: 'Sineseryoso ko ang trabaho!'

Tinangkang sawayin ng biktima ang suspek ngunit sinalubong siya nito ng suntok, bago nagbunot ng kutsilyo at sinaksak sa katawan ang dating sundalo. (Bella Gamotea)