Umapela kahapon ang gobyerno sa European Parliament na makipagtulungan sa Pilipinas bilang “partners in nation-building” sa halip na magbanta na maaaring makaapekto ang kampanya kontra droga sa ugnayang pagkalakalan ng Pilipinas sa Europe.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi kinukunsinti ng gobyerno ang extrajudicial killings at patuloy na tatalima ang bansa sa international commitments nito sa karapatang pantao.

Una nang nagbabala si EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen na maaaring maapektuhan ang kalakalan ng bansa sa Europa kung babalewalain lang ng gobyerno ang mga babala kaugnay ng umano’y mga pag-abuso sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng drug war.

Napaulat na plano ng European bloc na magsagawa ng monitoring sa pagtupad ng Pilipinas sa United Nations conventions at tukuyin ang epekto ng findings sa ugnayang pangkalakalan sa bansa.

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

“The Head of the Task Force on Extrajudicial Killings of the Commission on Human Rights (CHR), Commissioner Gwen Gana, has stated that their initial findings determined that extrajudicial killings are not state-sponsored. Non-trade accusations, especially if baseless and undeserved, should therefore not be linked with trade programs,” ani Abella.

“We would rather that the European Parliament engage us as partners in nation-building, as the visionary EU business community seems to intend themselves,” dagdag niya.

‘I WANT TO SLAP YOU’

Nauna rito, muling pinagmumura ni Pangulong Duterte ang European Union, tinawag ang mga itong inutil at ipokrito sa pakikialam sa mga usapin ng bansa.

“Sabi ko [sa EU], ‘Come here and we will talk because I want to slap you,’” sinabi ni Duterte sa Malacañang nitong Biyernes. “Ang suggestion nila magtayo ako ng mga clinics around kagaya ng ibang countries at magbigay ako ng shabu, cocaine pati heroine kagaya sa Holland. Eh ‘di naloko na!”

WALANG MORAL RIGHT

Kaugnay nito, sinabi naman kahapon ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na walang moral right ang EU upang makialam sa kampanya ng laban sa droga.

“The EU has no moral right to interfere on how we handle our illegal drugs problems considering the fact that many of their member countries allow the use of dangerous drugs. Ano gusto nila, mapares tayo sa kanila?” ani Sotto. - Genalyn D. Kabiling at Elena L. Aben