Pinaalalahanan ni Commissioner Caesar R. Dulay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon ang individual at corporate taxpayers na mayroon na lamang sila hanggang Abril 17 para maghain ng kanilang 2016 income tax returns.

Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 28-17, ipinaliwanag ng BIR chief na dahil ang aktuwal na deadline ay tumapat sa Abril 15 (Black Saturday), isang non-working day, awtomatikong malilipat ang deadline sa susunod na working day sa Abril 17 (Lunes).

Gaya ng mga nakaraang taon, sinabi ni Dulay na hindi na nila palalawigin ang deadline at may kaukulang parusa ang mga mahuhuling maghahain ng kanilang ITR -- 25 porsiyentong dagdag sa tax due, 20% interes sa bawat taon gayundin ang compromise penalties.

Umaasa ang pamunuan ng BIR na maaabot ang P1.8 trilyong target na koleksiyon para sa taong ito. - Jun Ramirez

Musika at Kanta

Kilalanin ang Pinoy na si Sofronio Vasquez, The Voice USA Season 26 Winner