Janry Ubas  (MB Photos | Rio Leonelle Deluvio)
Janry Ubas (MB Photos | Rio Leonelle Deluvio)

Nationals, may pinatunayan sa Ayala-Philippine Open

ILAGAN CITY – May pagkakataon si Ryan Bigyan na makabalik sa National Team at makabawi sa kabiguang natamo sa 2015 Singapore Southeast Asian Games.

Napasaludo ang coaching staff kay Bigyan, kumatawan sa Team-City of Ilagan, nang angkinin ang gintong medalya sa men’s 400-meter run kahapon sa pagtatapos ng 2017 Ayala-Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa Ilagan City Sports Complex dito.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Bahagi si Bigyan ng men’s 4x400-meter relay na nabigo sa Singapore SEAG may dalawang taon na ang nakalilipas.

Ngayon, naghihintay ang pagkakataon na muling makasama sa Nationals sa tagumpay na natamo sa tyempong 48.39 segundo sa torneo na itinataguyod ng City of Ilagan, sa pakikipagtulungan ng Ayala Corporation, MILO, Philippine Sports Commission at International Amateur Athletics Federation (IAAF).

Sumegunda ang bagitong si Michael Del Prado ng La Salle sa oras na 48.47 segundo, habang nakopo ni Edgardo Alejan ng PH Team-City of Ilagan ang bronze medal (48.60).

Sinabi ni Patafa president Philip Ella ‘Popoy’ Juico na gagamiting basehan ang torneo sa pagpili ng National Team na isasabak sa SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Ayon kay Patafa secretary general Renato Unso, malaki ang tsansa ni Bigyan na muling mapasama sa men’s 4x400-meter squad.

Sa kasalukuyan, nasa line-up na sina Filipino-American Eric Cray at Trenten Beram, bagong recruit mula sa University of Connecticut, na nagpamalas din ng kahuayan sa Open na suportado rin ng Run Rio, UCPB Gen at Foton Pilipinas.

“If Cray and Beram will run, plus two more young runners like Alejan or Bigyan and two alternate runners, then we have a very good chance of winning the gold medal in the SEA Games,” sambit ni Unso.

“We’re going to meet with the coaches to evaluate the performance and assemble the members of the 4x400-meter team plus two alternates. And with the way he performed, Bigyan could be in,” aniya.

Sa nakalipas na SEA Games, kinapos ang quartet nina Bigyan, Alejan, Joan Caido at Archand Christian Bagsit sa men’s 4x400-meter relay.

“That’s why winning the men’s 4x400-meter is very important to us,” said Unso. “We’re glad that our prospect runners came up with good performance in this tournament and everybody delivered.”

Nagwagi rin sa huling araw ng kompetisyon sina Rogil Pablo ng College of Saint Benilde (14.89 meters) sa boys’ triple jump; James Darrel Orduna (4:09.43) sa boys’ 1,500-meter run; Ira Mae Gali ng Team Baguio (5:06.37) sa girls’ 1,500-meeter run; Ailene Tolentino ng Philippine Army (5:10.86) sa women’s 1,500-meter run; Mervin Guarte ng Philippine Air Force (3: 54.53) sa men’s 1,500-meter run; Danilo Fresnido ng Philippine Army (64.51 meters) sa men’s javelin throw; Marjun Sulleza ng Koronadal (55.39) sa boys’ 400-meter hurdles; at John Christian Capasao ng Mapua (52.83 meters) sa boys’ javelin throw competition.