Babalasahin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa kanyang pagbabalik mula sa peace talks sa Netherlands.

Hindi natuwa si Bello sa mga natanggap na ulat na ilang opisyal ng POEA ang humihingi ng pera kapalit ng pagpapalabas ng mga sertipiko ng pagtatrabaho sa ibang bansa kahit hindi kuwalipikadong isang manggagawa.

“I will revamp the organizational structure of POEA,” paniniyak ni Bello.

Ikinasa rin niya ang imbestigasyon upang maparusahan ang mga sangkot dito. (Mina Navarro)
Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos