NEW YORK (AFP) – Isang pandaigdigang alyansa ng tech industry at academic organizations ang pinasinayaan kahapon upang sama-samang labanan ang paglaganap ng “fake news” at mapabuti ang pag-uunawa ng publiko sa pamamahayag o journalism.

Ang News Integrity Initiative ay ilulunsad na may pondong $14 milyon mula sa Facebook, Ford Foundation, Mozilla at iba, at nakabase sa journalism school ng City University of New York, na siyang mamamahala sa mga pananaliksik, proyekto at aktibidad kaugnay sa layunin.

“We want to bring the conversation past just talking about media and to bring the public in,” sabi ni Jeff Jarvis, namumuno sa Tow-Knight Center for Entrepreneurial Journalism ng CUNY.

We want to go beyond the fake news discussion and get to what I hope is a flight to quality.”

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024