July 23, 2026

Home BALITA National

DOH, panawagan suporta sa pagpapapurga; nagbabala laban sa fake news

DOH, panawagan suporta sa pagpapapurga; nagbabala laban sa fake news
Photo courtesy: MB

Nananawagan ang Department of Health (DOH) ng suporta mula sa mga magulang, guardians, paaralan, at komunidad, para sa isasagawang deworming activities sa buong bansa ngayong Hulyo bilang proteksyon sa mga bata laban sa badyang panganib dulot ng mga parasito o intestinal worms. 

“The Department of Health (DOH) is urging parents, guardians, schools, and communities to continue supporting the nationwide deworming activities this July, emphasizing that deworming remains a safe, effective, and proven way to protect Filipino children from intestinal worms,” panawagan ng DOH sa inilabas nilang pahayag noong Huwebes, Hulyo 16. 

Ipinaliwanag pa ng ahensya na ang mga bata ay madaling kapitan ng intestinal worms, na naililipat sa pamamagitan ng kontaminadong lupa, at kung mapapabayaan, ang impeksyong dulot nito ay maaaring mauwi sa malnutrisyon, anemia, stunted physical growth, delayed learning, at pagiging lapitin ng iba pang sakit. 

Kaya pagtitiyak nila, ang ginagamit na gamot sa deworming program sa bansa na Albendazole, na batay sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), ay ligtas at “well-tolerated.”

KAUGNAY NA BALITA: Pagpupurga, delikado nga ba?

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

Sa pagpapainom nito, inabiso ng DOH na ang ibang bata ay maaaring makaranas na mild at pansamantalang pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat, diarrhea, o skin rashes. 

Gayunman, matapos ang ilang oras, aasahang lilipas ang side effects na ito. 

Sa pagsasagawa rin ng deworming, inatasan ng DOH ang health workers at local government units (LGUs) na maging maagap na sumunod sa safety protocols ng school-based at community-based deworming activities upang matiyak ang ligtas na pagpapainom ng mga gamot at maayos na pagbabantay ng anumang side effects. 

“The Department has also directed health workers and local government units to strictly follow safety protocols during the conduct of both school-based and community-based deworming activities to ensure the safe administration of the medicine and the proper management of any adverse events,” utos ng DOH.

Sa kabilang banda, ipinaalala ng DOH sa publiko na iwasang kumalap ng impormasyon mula sa mga hindi beripikadong ulat o mga impormasyong nagdudulot ng pagkalito o takot sa pakikiisa sa anumang programa hinggil sa pagpapapurga. 

“The DOH likewise reminds the public to rely only on verified information from the Department of Health and to refrain from sharing unverified reports or misleading claims that may cause unnecessary fear and discourage participation in this important public health program,” paalala ng ahensya. 

Matatandaang naiulat ang pagpanaw ng isang Grade 4 pupil noong Hulyo 12, matapos siya umanong painumin ng pampapurga ng kaniyang class adviser sa Trece Martires City, Cavite. 

MAKI-BALITA: Estudyanteng pinurga ng guro niya, patay!

Sa pahayag naman ng Department of Education (DepEd) noong Hulyo 13, ang pagkamatay ng bata ay dulot umano ng impeksyon na nauwi sa septic shock. 

MAKI-BALITA: Grade 4 pupil na nasawi sa pampapurga, napag-alamang may impeksyon!—DepEd