Tiniyak ng Philippines Sports Commission (PSC)ang kanilang pagsuporta sa mga national athletes na nasa kasagsagan na ng kanilang paghahanda para sa darating na 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur sa Agosto.

Mismong si PSC chairman William “Butch” Ramirez ang nagbigay ng kasiguruhan sa naganap na ikalawang consultative meeting nila sa mga miyembro ng national team noong nakaraang Biyernes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa naturang okasyon din, sinabi ni Ramirez na lahat ng mga national athletes na tinanggal ng walang naganap na “due process” ng kani-kanilang mga national sports associations ay patuloy na makakatanggap ng kanilang monthly allowances at pahihintulutang makagamit ng mga pasilidad ng ahensiya. (PNA)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA