Pia Marlon 10 copy

HABANG sinusulat namin ito ay hindi pa matiyak ng aming source kung nagkaroon ng pagtatalo sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger dahil nabunyag nang totoo palang may anak na ang huli at kambal pa.

“Actually, nabanggit naman daw yata ni Marlon noon kay Pia na may naging girlfriend siya, hindi niya alam kung nagkaanak sila. ‘Tapos parang nawala na ‘yung topic kasi hindi masyadong natutukan.

“Kaya nu’ng tinanong si Pia regarding that issue during a launching, nagulat siya at totoo naman ‘yung sagot niya na wala siyang alam hanggang sa binalikan niya ng tanong si Marlon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“’Tapos timing naman na heto na, lumabas na ‘yung truth na umamin na si Kit (Barraquias, ina ng mga bata) na si Marlon nga ang biological dad ng kambal.

“Wala akong balita kung ano na ang napag-usapan nina Pia at Marlon since the news came out, eh. Parang nagkaroon yata sila ng argument, I’m not sure, ha, kasi upon checking their social media account, parang walang ganap. Saka parang in-unfollow ni Pia si Marlon na (sa Instagram),” say ng aming source.

Tsinek din namin ang IG account ni Marlon at wala nga ang pangalan ng girlfriend na isa sa dati followers niya (sana hindi kami namalik-mata) at ang huling post niya ay litrato nila ni Pia four days ago nang dumalo sila sa 25th anniversary ng isang magazine.

Anyway, panay naman ang check ng followers ni Pia sa IG kung tatanggalin ng dalaga ang pictures ni Marlon, so far hindi pa naman.

Dahil sa new developement na ito, parang na-preempt ang first time at exclusive na pag-amin nina Pia at Marlon ng kanilang love story sa second part ng birthday special ni Vice Ganda ngayong gabi sa Gandang Gabi Vice.

Pero tiyak na aabangan pa rin naman ang kuwento nila kung paano sila nagkakilala at kung paano nahulog ang loob nila sa isa’t isa. (Reggee Bonoan)