CALASIAO, Pangasinan – Natagpuang patay sa kanyang silid ang dating alkalde ng bayan ng Calasiao na si Ferdinand “Nanding” Galang sa Barangay Mancup.

Ayon kay Supt. Charles Umayam, hepe ng Calasiao Police, bandang 7:00 ng umaga kahapon nang natagpuang walang buhay ni John Gregorio, 49, sa loob ng silid ang pamangking si Ferdinand Galang, 44, may asawa, dating bise alkalde ng Calasiao, Pangasinan.

Tinungo ni Gregorio ang bahay ng pamangkin at nadiskubre itong walang buhay, nakahandusay padapa sa gilid ng kama ng kanyang silid.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng pulisya kung inatake sa puso ang dating bise alkalde, na ayon sa mga kamag-anak nito ay may iniindang alta-presyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

May natagpuan ding isang bote ng inumin sa tabi ng bangkay ni Galang, at inaalam din ng pulisya kung may posibilidad ng pagpapatiwakal ang pagkamatay ng dating opisyal.

Nabatid na bago ito, matindi ang depresyon ni Galang dahil sa problemang pampamilya, bukod pa sa suliranin sa negosyo at sa iniinda nitong karamdaman.

Matatandaang nagbitiw sa tungkulin si Galang, miyembro ng Liberal Party, bilang bise alkalde ng Calasiao makaraang pagsilbihan ang bayan simula Hulyo 1 hanggang Disyembre 31, 2016.

Idinahilan niya ang desisyong manirahan na lang sa Amerika. (Liezle Basa Iñigo)