LA PAZ, Tarlac – Masuwerteng natunton ng isang 34-anyos na lalaki ang sasabungin niyang ninakaw sa kanya matapos niya itong maispatan sa sabungan sa Aliaga, Nueva Ecija.

Sa follow-up investigation ni SPO1 Gulliver Guevara, tinangay kamakailan sa Purok 5, Barangay Guevara sa bayan ng La Paz, ang sasabungin ni Pepito Mallari Reyes, Jr.

Hapon nitong Marso 29 nang makilala ni Reyes ang kanyang manok sa sabungan kaya kaagad siyang humingi ng responde sa pulisya at nabawi kay Darwin Soriano ang sasabungin ni Reyes.

Ayon kay Soriano, nabili niya ang manok ni Reyes sa isang Ronald, na hindi naman natunton sa Bgy. San Manuel, Tarlac City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kakasuhan ng paglabag sa Anti-Fencing Law si Soriano habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. (Leandro Alborote)