KUMPIRMADONG kuripot ang kilalang TV host na walang sariling personal assistant (PA) para magdala ng sangkaterba niyang mga personal na gamit.

Matagal nang usap-usapan ng showbiz insiders na walang PA ang kilalang TV host, na ang katwiran ay hindi niya kailangan dahil may driver naman siyang magbibitbit ng mga gamit niya kapag nagre-report siya sa show.

Pero ang siste pala, staff ng programa ng kilalang TV host ang tagadala niya ng gamit para maisakay sa car niya.

Heto na, nakita namin ang kilalang TV host na palabas ng building ng network na pinagtatrabahuhan na may kasamang staff ng show na maraming bitbit at may mga maleta pang hila-hila, samantalang bag lang niya ang dala ng bida ng blind item na ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagulat pa rin kami, kasi ang alam namin, ang mga staff ng programa ay show lang ang concern at hindi bilang personal na alalay ng mga celebrity. Tama ba kami, Bossing DMB? (Tama po. –DMB)

Inisip namin na baka nagkataon lang na nakita namin o noon lang naman nagpahatid ang kilalang TV host sa staff ng show.

“Naku, hindi. Talagang nagpapahatid siya,” say ng nakakaalam ng drama ng kuripot na TV host. (Reggee Bonoan)