Nagtamo ng mga pasa at sugat sa mukha at katawan ang dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, matapos silang kuyugin nang mabuking sa pagnanakaw umano ng rubber shoes ng isang barangay tanod sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa kabila ng paghingi ng tawad ay kakasuhan pa rin ng theft sa Pasay Prosecutor’s Office si Jomar Albarasin, 25, habang nasa pangangalaga na ng Pasay Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang kasabwat nitong binatilyo, kapwa taga-Malibay.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong 8:00 ng gabi at pauwi na sakay ng motorsiklo nang maaktuhan umano ni Allan Romero, tanod sa Barangay 34 Zone 3, ang paglabas ng dalawang suspek mula sa kanyang bahay.

Hinabol ni Romero ang dalawa at nang maabutan ay ikinatwiran ng mga ito na nagso-solicit lang sila hanggang sa mapansin ng tanod na may itinatago sa loob ng T-shirt si Albarasin at nang siyasatin ito ay tumambad kay Romero ang kanyang rubber shoes na nagkakahalaga ng P6,000.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ilang residente ang kaagad na nagsilapit at pinagtulungang gulpihin ang dalawa.

Inamin ni Albarasin ang pagkakasala at humingi ng tawad, sinabing nais lang niyang may magamit na sapatos sa sinalihan niyang liga ng basketball. (Bella Gamotea)