Mga Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena)

8 n.u. -- UP vs FEU (Men)

10 n.u. -- DLSU vs ADMU (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- AdU vs DLSU (Women)

4 n.h. -- FEU vs NU (Women) vs Racal

NASA balag ng alanganin ang Far Eastern University kung kaya’y krusyal ang laro ng Lady Tamaraws kontra National University Lady Bulldogs sa target ng Final Four sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena.

Tila humuhulagpos sa kanilang mga kamay ang target na ikatlong sunod na semifinals appearance, hangad ni coach Shaq delos Santos na mag focus ang kanyang mga manlalaro sa misyong magapi ang Lady Bulldogs sa pagsalang nila ngayong 4:00 ng hapon. .

“Challenge talaga yung mangyayari para sa amin. Normal naman yung pressure, kahit anong game na lalaruin mo. Maganda yung possible pang mangyayari sa amin kung maipapanalo namin,” ani Delos Santos.

Taglay ang patas na 6-6 baraha at kasalukuyang nasa ikaanim na puwesto,malalagay sa bingit ng eliminasyon ang Lady Tams kung matatalo sa Lady Bulldogs.

Mauuna rito, naghahanda para sa nalalapit na muli nilang pagtutuos ng Ateneo, sasagupain ng defending champion De La Salle, ang sibak ng Adamson University sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Ang Lady Spikers, nakakatiyak na sa ‘twice to beat bonus’ sa semis ay muling pinapaboran kontra winless na Lady Falcons.

Sa panig naman ng Lady Bulldogs sisikapin nitong makabalik sa winning track upang makakalas sa three-way tie sa ikatlong puwesto hawak ang barahang 7-5. (Marivic Awitan)