SA nabasa naming comments sa hindi pagre-renew ng GMA-7 sa kontrata ni Aljur Abrenica, walang kumampi sa aktor, lahat sila pabor sa ginawa ng network na hinayaang mag-expire ang kontrata last week.
Ito’y kahit nasa istasyon ang option para i-renew ang kontrata ng aktor.
Nai-post sa isang blog ang official statement ng GMA-7 sa hindi nila pagre-renew ng kontrata ni Aljur at doon nag-comment ang netizens. Hindi ikatutuwa ni Aljur ang reaction sa mga nangyayari sa career at personal life niya.
Tama lang daw ang nangyari sa kanya dahil lumaki ang ulo niya, yumabang at pati network na naka-discover at nagbigay sa kanya ng trabaho ay kinalaban pa. Si Aljur din ang sinisisi sa pagbubuntis ni Kylie Padilla na unfair sa aktor dahil it takes two to get pregnant.
Unfair din kay Aljur ang payo na ‘wag siyang pakasalan ni Kylie at mas maganda kung magkaka-baby na lang siya rito.
Malay ba natin kung may mga negosyo si Aljur na pagkukunan habang wala pa siyang project sa showbiz -- uli.
May balitang lilipat sa ABS-CBN si Aljur, susundan ang kapatid niyang si Vin Abrenica na nauna nang lumipat mula sa TV5. Kaya lang, kahit Kapamilya fans, nakikiusap sa ABS-CBN na huwag nilang kukunin si Aljur.
Wala pang reaction si Aljur sa isyung ito dahil hindi siya naiinterbyu o ayaw magpa-interview. Ilang linggo na rin siyang inactive sa social media at in fairness, inactive na siya bago pa man lumabas ang isyung may utang pa siyang P1.3M kay Kaye Dacer bilang parte ng downpayment sa bahay nito na binili ng aktor. (Nitz Miralles)