Aabot sa 16 na police station commander sa Northern Mindanao ang sinibak sa puwesto dahil sa matamlay na performance laban sa mga tinaguriang high value target ng Oplan Double Barrel Reloaded ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, binantaan kahapon ni Chief Supt. Agripino Javier, director ng Police Regional Office (PRO)-12, ang iba pang hepe ng pulisya na madadagdagan pa ang mga masisibak sa puwesto at idedestino sa ibang lugar sa hilagang Mindanao.

Ito ay makaraang matukoy ang matamlay na performance ng mga pinamumunuang himpilan ng mga ito laban sa mga high value target.

Tumangging pangalanan ang 16 na hepe na nasibak sa puwesto.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Kasabay nito, pinasalamatan ni Chief Supt. Javier ang buong PRO-12 matapos na maging ikatlo ito sa may pinakamaraming nakumpiskang shabu at naarestong adik at tulak simula nang ilunsad ang kampanya ng pulisya laban sa droga.

Umaabot sa P3.3 milyon na halaga ng shabu mula sa daan-daang naaresto ang nakumpiska ng pulisya sa loob lamang ng 18 araw na operasyon. (Fer Taboy)