Kyrie Irving,Robin Lopez

CHICAGO (AP) — Umigpaw sa all-time scoring list si LeBron James, ngunit bigo siyang mapigilan ang pagsadsad ng Cleveland Cavaliers kontra Bulls, 99-93,nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Hataw si Nikola Mirotic sa natipang season high 28 puntos, tampok ang anim na three-pointer, habang kumana si Jimmy Butler ng 25 puntos sa gabing nakuha ni James ang ikapitong puwesto sa NBA scoring all-time list.

Nalagpasan ni James si Shaquille O’Neal sa naiskor na 26 puntos para sa kabuuang 28,599 sa kanyang career — tatlong puntos ang abante sa hall-of-famer na si O’Neal.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Ngunit, hindi nito naiangat ang Cavaliers na nagtamo ng ikatlong sunod na kabiguan at muling malaglag sa No.2 spot sa Eastern Conference playoff.

TIMBERWOLVES 119, LAKERS 104

Sa Minneapolis, naitala ni Ricky Rubio ang career-high 33 puntos, 10 assist at limang rebound, habang tumipa si Karl-Anthony Towns ng 32 puntos sa panalo ng Minnesota Timberwolves kontra Los Angeles Lakers.

Naisalpak ni Rubio ang 4-of-5 sa three-point, habang kumana si Andrew Wiggins ng 27 puntos para sa Timberwolves (30-44).

Nanguna si Jordan Clarkson sa naiskor na 18 puntos at humugot si D’Angelo Russell ng 14 puntos at pitong assist sa LaKers (21-54), nabigo sa ika-17 sa huling 19 laro.

CLIPPERS 124, SUNS 118

Sa Phoenix, ratsada sina Blake Griffin na may 31 puntos at Chris Paul na tumipa ng 29 puntos at 10 assist para sandigan ang Los Angeles Clippers kontra Suns.

Balik-akisyon si Devin Booker sa Suns para makaiskor ng 33 puntos sa harap ng kanyang college coach na si John Calipari ng Kentucky at siyam na assist, ngunit na fouled out may 4:45 sa laro.

Naghahabol ang Clippers (46-31) sa Utah Jazz (46-29) para sa No. 4 playoff spot ng Western Conference.

Hindi nakalaro si Booker, nagtala ng NBA record na 70 puntos sa laro kontra Boston, nitong Martes bunsod ng pamamaga ng kanang bukong.

PISTONS 90, NETS 89

Sa Auburn Hills, Mich., ginapi ng Detoit Pistons, sa pangunguna nina Marcus Morris na may 28 puntos at 13 rebound, at tumipa si Ish Smith ng go-ahead three-pointer sa krusyal na sandali tungo sa panalo kontra Brooklyn Nets.

Nanguna sa Nets sina Sean Kilpatrick na may 15 puntos at Rondae Hollis-Jefferson na may 14 puntos.

Sa iba pang laro, pinasabog ng Portland Trail Blazers ang Houston Rockets, 117-107.