XXX BEN-AFFLECK-JY-2909-.JPG A  ENT USA NY

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging malusog at masaya ni Ben Affleck.

Sinorpresa ng 44-anyos na aktor ang kanyang mga tagahanga nang magtungo siya sa CinemaCon sa Las Vegas nitong Miyerkules, ang kanyang unang public event simula nang ipahayag niya na pumasok siya sa rehab dahil sa alcohol addiction noong nakaraang buwan.

Nagtungo si Affleck sa CinemaCon para suportahan ang Justice League, at nag-pose kasama ang kapwa gumaganap na mga superhero na sina Henry Cavill (Superman), Jason Momoa (Aquaman), Ezra Miller (The Flash) at Ray Fisher (Cyborg) pati na rin ang direktor na si Zack Snyder. Bagamat nag-pose sa camera ang mga guwapong aktor, wala silang anumang ibinunyag tungkol sa kaabang-abang na pelikula, na ipalalabas sa mga sinehan sa Nobyembre.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Umatras ang Oscar-winning actor sa pagdidirihe ng pelikula ng Batman sa Enero, ngunit mananatili pa rin siyang producer at bida nito.

Nakapanayam ng ET ang best friend ni Affleck na si Matt Damon sa CinemaCon nitong Martes, at sinabi nito na kasalukuyang “fantastic” si Affleck at naglalaan ng oras sa kanyang tatlong anak sa dating asawa na si Jennifer Garner – Violet, 11; Seraphina, 8; at Sam, 5.

“He’s with the kids now, couldn’t be happier,” ani Damon. “Jen’s working for a couple weeks in Atlanta, so he’s Mr. Mom-ing it right now. And that’s what he wants to be doing.” (ET Online)