Adele copy

POSIBLENG magpaalam na ang Hello singer na si Adele sa pagto-tour kapag natapos na ang kanyang world tour concerts ngayong taon.

Sinabi niya sa mga manonood nang magtanghal siya sa Auckland, New Zealand nitong nakaraang Linggo na, “touring isn’t something I’m good at.”

“Applause makes me feel a bit vulnerable,” paliwanag niya sa kanyang 40,000 tagahanga. “I don’t know if I will ever tour again. The only reason I’ve toured is you. I’m not sure if touring is my bag. My greatest accomplishment in my career is this tour.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kapag natapos ni Adele ang kanyang kasalukuyang tour, na may apat na sold-out show sa Wembley Stadium sa kanyang hometown sa London ngayong summer, mahigit 120 show sa tatlong kontinente simula noong February 2016 ang kanyang naisagawa.

Bagamat tiyak na magkakaroon siya ng pahinga, tila interesado si Adele na palakihin ang kanyang pamilya. Nagpakasal kamakailan ang 28-anyos sa longtime love niyang si Simon Konecki nang sabihin niya sa entablado na nais niyang bigyan ng kapatid ang anak nilang si Angelo. “My son is about to turn four very, very soon,” saad niya sa audience ng Nashville noong Oktubre.

“I’m starting to get very emotional about it because I feel like once they turn four, they’re not really your baby anymore,” patuloy niya. “So my womb is starting to ache a little bit. It’s like, ‘Baby, baby, baby. Need a baby, need a baby.’ I’m not pregnant. I won’t get pregnant until the end of the tour.”

Nagkakilala si Adele at ang kanyang asawa noong 2001 at nagkaanak noong Oktubre 19, 2002. Bagamat kinumpirma na niya ang kasalang naganap, wala siyang ibinigay na detalye tungkol dito. (ET Online)