Nakatulog umano habang nagmamaneho ang isang taxi driver na naging sanhi ng pagkakasalpok ng kanyang sasakyan sa concrete barrier sa Buendia flyover sa Roxas Boulevard, Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Sugatan at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital si Edgar Lacatan, nasa hustong gulang, driver ng Drefzeopol Trans taxi (UVM 470), gayundin ang kanyang pasahero na si Boy Vet Anob, nasa hustong gulang, ng Parañaque City.

Sa pahayag ni Lacatan sa Pasay City Traffic Department, nakaidlip siya kaya hindi namalayan ang mga concrete barrier sa lugar hanggang sa tuluyan niya itong araruhin, dakong 1:20 ng madaling araw.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nawasak ang hood at gulong, tumalsik ang baterya at nabasag ang windshield ng naturang taxi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Posibleng maharap si Lacatan sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property at physical injuries.

(Bella Gamotea)