Sarah at Matteo copy

BUKOD kay Kathryn Bernardo, March 26 din ang birthday ni Matteo Guidicelli.

Kung mas pinili ni Kathryn na makipag-commune sa nature sa pag-celebrate ng kanyang birthday sa El Nido, Palawan with friends and boyfriend Daniel Padilla, si Matteo naman ay sa kanyang hometown, sa Cebu, nagdiwang ng kaarawan.

Of course, hindi kumpleto at hindi magiging happy ang birthday celebrations kung wala rin ang mga special someone sa mahalagang araw na ‘yun.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya gaya ni Kathryn, nakapiling din ni Matteo sa kanyang kaarawan ang kanyang family, friends, at si Sarah Geronimo.

Lumipad ang kanyang kasintahan pa-Cebu just in time for his 27th birthday last Sunday. Para kay Sarah, hindi sagabal ang biyahe. Love can move mountains, ‘ika nga.

Sa Instagram photo posted by Matteo’s dad, naka-pose ang popstar royalty with Matt and his birthday cake.

Ginanap ang celebration sa Trattoria da Gianni, ang restaurant ng kanilang pamilya. (Ador Saluta)