Paul copy

IBINUNYAG ni Paul McCartney na gumagawa siya ngayon ng bagong album kasama ang producer ng blockbuster hit ni Adele na Hello.

Sinabi ng Beatles legend sa isang panayam sa radyo na siya ay “in the middle” sa ginagawang bagong album, ang kanyang una simula noong 2013.

Katrabaho niya rito si Greg Kurstin, ang American producer na katuwang sa pagsulat ng Hello, ang piano ballad na nag-ambag ng malaking tagumpay sa album na 25 ni Adele.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakatrabaho rin ni Kurstin ang Australian pop singer na si Sia at ang alternative rock icon na si Beck.

“My only worry is people are going to go, ‘Oh, there’s Paul going with the flavor of the month’,” ani Paul sa panayam ng BBC Radio 6 Music nitong nakaraang weekend.

“I suppose you always think the worst of it. But he’s a great guy,” sabi ni Paul, inilarawan ang sarili na “beavering away, doing what I love to do.”

Sinabi ng 74-anyos na hindi niya gaanong iniisip kung maaalala pa rin siya ng mga tao matapos siyang pumanaw tulad ng mga kapwa niya rock greats na sina David Bowie at Prince.

“But I think people do. You think, what are they going to say? Are they going to take your worst reviews... or take your best stuff?

“Luckily it won’t matter because I won’t be here.” (AFP)