Jodi at Richard
Jodi at Richard
DUMOG ang reaksiyon ng solid supporters nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap nang isulat namin ang nalalapit na pagbabalik-tambalan nila.

Makailang beses nilang ni-retweet at nai-share ang item. Bago matapos ang taon, mapapanood na uli sila sa telebisyon.

Ang mga nakakatuwang reaksiyon ay, “Excited much. Can’t wait to see them again. Feeling happy.” “Much deserved and much awaited.” “It’s worth the wait for their project together. Kiligan na!!!” “Much awaited comeback! Our full support! “This is it pansit!!!” at maraming iba pa.

Pawang positibo ang reaksiyon ng solid fans ng JoChard at maraming nag-direct message sa amin para magtanong kung kailan ang umpisa ng taping ng dalawa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hindi pa namin alam ang schedule sa ngayong abala pa sina Jodi at Richard sa kani-kanilang commitments. Katunayan, kasalukuyang nasa ibang bansa si Jodi para sa shoot ng pelikula, samantalang abala naman ang aktor sa promo tour ng album niya. --Reggee Bonoan